Pagtaas ng Teaching Supplies Allowance sa Susunod na Apat na Taon.

OPISYAL NA PAHAYAG

Nobyembre 9, 2020 – Itinuturing nating makabagong bayani ang ating mga guro sa mga pampublikong paaralan at nais nating pasalamatan ang Senado ng Pilipinas bilang ating kaisa sa pagsuporta at pagtugon sa pagpapatupad ng patuloy na pagtaas ng teaching supplies allowance sa susunod na apat na taon.

Sa ilalim ng Senate Bill 1092, kung saan nakapasa ito sa ikatlo at huling deliberasyon nitong Lunes, ang tuloy-tuloy na pagtaas ng teaching supplies allowance ay ang mga sumusunod:

• Taong Panuruan 2021-2022 – Php 5,000
• Taong Panuruan 2022-2023 – Php 5,000
• Taong Panuruan 2023-2024 – Php 7,500
• Taong Panuruan 2024-2025 – Php 10,000

Naniniwala kami na ito, kapag naisa-batas na, ay malaki ang maitutulong sa pinansiyal na pangangailangan ng matatapang at malikhain nating mga guro, na buong lakas na hinarap ang mga hamon sa paghahatid ng edukasyon sa panahon natin ngayon.

Inaasahan ng Kagawaran ang patuloy na pakikipagtulungan sa ating mga mambabatas sa pagsasagawa at pagsasakatuparan ng mga kinakailangang interventions bilang suporta sa ating mga guro at mag-aaral at sa pagpapaunlad pa ng sistema ng edukasyon para sa susunod na henerasyon.

#SulongEduKalidad #DepEdPhilippines #DepEdTayo

Source: https://www.facebook.com/DepartmentOfEducation.PH

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*