DepEd, target makapag-ere ng 130 episodes ng televised distance learning lessons kada linggo

By Nimfa Asuncion

Target ng Department of Education (DepEd) na makapag-ere sa telebisyon ng halos 130 episodes ng kanilang distance learning classes kada linggo, oras na magsimula na ang klase.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Basic Education, sinabi ni DepEd Director Abram Abanil, na ang 130 episodes na ito ay tungkol pa lamang sa major subject areas.

Ang bawat episode aniya, ay may haba na 20 minuto na may limang minutong break at eere mula 7 AM hanggang 7 PM.

Binahagi pa ni Abanil, na sa ngayon ay isinasapinal na ng DepEd ang memorandum of agreement nito sa mga partner channels, na magiging katuwang nila sa pagsasahimpapawid ng televised lessons, at sa susunod na linggo target ng ahensya na matatapos na ito.

Kabilang sa partner channels na ito ay ang IBC-13, PTV-4, Solar TV, Planet Cable, Philippine Cable and Telecommunications Association, Cignal TV, GSAT, Gracia/LMP, at Mabuhay Pilipinas TV.

Sa susunod na linggo, magsasagawa ang ahensya ng practice airing para matiyak na magiging maayos ang pag-ere ng kanilang mga televised lesson.

Sinabi ni Abanil, na ayaw na nilang maulit ang mga maling nangyari sa pag-ere nila noong August kaya magpa-practice muli sila sa September 21.

Ngayong higit dalawang linggo na lamang ang nalalabi bago magbukas ang klase, nasa 20 percent na ng TV episodes at 13 percent ng radio episodes para sa unang linggo ng klase ang nare-record na ng ahensya.

Source: http://www.radyopilipinas.ph/rp-one/articles/national/deped-target-makapag-ere-ng-130-episodes-ng-televised-distance-learning-lessons-kada-linggo?fbclid=IwAR3ohQMxgXxG0nl8Z_SRiroBa3795DT6wDSQuEoD1PdFJK9HbpTjPKDmXTQ

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*